BIR nanindigang ‘di palalawigin ang April 15-deadline para sa paghahain ng ITR

0
14

Nanindigan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa desisyon nilang huwag nang palawigin ang April 15 deadline para sa paghahain ng annual income tax return (ITR).

Ayon kay Atty. Arnel Guballa, deputy commissioner ng BIR operations group, walang pagbabago sa nakalatag nang deadline.

Sa halip, maaari anyang mag-apply sa 60-day tentative payment online ang mga hindi makakapagfile ng kanilang annual ITR.