Gov’t officials dapat tanggihan ang anumang ibibigay na regalo sa kanila – CSC

0
46

Umapela ang Cvil Service Commisison (CSC) sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno na tanggihan ang anumang regalo na ibinibigay sa kanila.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, labag sa batas na tumanggap ang mga public officials ng anumang uri ng regalo mula sa mga nag-mamagandang loob.

Paliwanag nito malinaw na nakasaad sa Republic Act 6713 na bawal ang pagtanggap ng regalo.

Aniya, sa halip na lumabag sa batas ay makabubuti kung magpapasalamat na lamang ang mga public officials sa mga magbibigay sa kanila ng ‘token’ o regalo.