EEZ sa West PH Sea nasa Pilipinas lamang – Carpio

0
53

Nanindigan si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na nasa Pilipinas lamang ang exclusive rights sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng naging pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na mas maraming isla ang sakop ng Vietnam at Malaysia kaysa sa China sa naturang bahagi ng pinag-aagawang teritoryo.

Una rito, matatandaang inaangkin ng China ang 80% ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, iginiit pa ni Carpio na kung hindi ipoprotesta ng Pilipinas ang tahasang pag-angkin ng China sa naturang teritoryo ay posibleng tuluyan na itong mawala sa bansa.

Samantala, tiniyak naman ng Malacañang na hindi pababayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo.