Friday, May 3, 2024

Gordon ikinagalit ang pahayag ng isang NBI official

- Advertisement -

Ikinagalit ni Senador Richard Gordon ang pahayag ng isang opisyal ng National Bureau of Investigation o NBI hinggil sa dahilan kung bakit nakakalusot ang tinaguriang drug queen.

Aniya, hindi katanggap tanggap na kapag may koneksyon ang isang tao ay makalulusot na ito.

“Sabi ko “anong connection? Walang koneksyon yun, hulihin niyo. Bakit? Kapag may connection pala nagpapatunay na ganyan lipunan natin? Pag may koneksyon hindi niyo huhulihin? Hindi pwede yan!”

Kinuwestyon din ni Gordon kung bakit hindi pa rin hinuhuli si Guia Gomez Castro gayong tatlo na ang warrant of arrest nito.

“Kung talagang nandyan bakit hindi pa nila hinuhuli simula pa noong Sept. 21 eh… tatlo na ang warrant magmula pa ata noong 2006. Kung may warrant na talaga doon bakit hindi pa hinuhuli ng 2006, hindi pa hinuli nung barangay captain tumatakbo?” Ani Gordon — sa panayam ng IZ Balita Nationwide Sabado (Pang tanghaling edisyon)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img