Gobyerno may target na kung paano masosolusyonan ang matinding trapiko

0
48

Mas nagkaroon na ng target ang gobyerno kung paano sosolusyunan ang matinding trapiko partikular sa EDSA.

Ayon ito kay MMDA EDSA traffic manager Bong Nebrija matapos tiyakin ng Pangulong Rodrigo Duterte na limang minuto na lamang ang magiging biyahe mula Cubao patungong Makati City simula sa buwan ng Disyembre.

Sinabi sa DWIZ ni Nebrija na positibo silang magagawa ito kayat kailangan ang pagkakaisa ng lahat hinggil dito.