Friday, May 3, 2024

‘Go signal’ ni Duterte hinihintay para sa tuluyang pagkalas ng PH sa VFA —Nograles

- Advertisement -

Nakabinbin pa rin ang pagbasura ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na desidido siyang ibasura ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, nakahanda na ang notice of termination para sa nasabing kasunduan ngunit hinihintay pa rin ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin ang ‘go signal’ mula sa pangulo.

Sa ngayon, ani Nograles, habang wala pang direktiba mula sa pangulo ay sinusuri muna ng Department of Justice (DOJ) ang posibleng maging epekto sa pagbasura ng VFA sa iba pang kasunduan ng Pilipinas at Amerika gaya ng mutual defense treaty at iba pa.

Kaugnay nito, sinusuri rin aniya ng Department of National Defense (DND) ang posibleng maging epekto nito sa military capacity at preparedness ng bansa.

Una rito, sinabi ni Locsin na kailangan muna kasing sumulat kapag kakalas sa VFA ang alinman sa dalawang bansa.

Magiging epektibo naman ang pagbasura sa kasunduan matapos ang 180 araw mula ng matanggap ang notice of termination.

As instructed by the president, nakahanda na po ‘yung termination, tapos naghihintay na lamang ng further instruction si Secretary Locsin tungkol do’n sa communication ng termination. In the mean time, sinusuri at pinag-aaralan ng DOJ, under kay Secretary Guevarra, ‘yung magiging epekto nung termination sa iba pang mga treaties,” ani Nograles. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img