Radio Philippines Network
Image default
Headlines International News

Global death toll ng COVID-19 umabot na sa mahigit 673,000

Umakyat pa sa mahigit 673,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ito ay matapos makapagtala ng karagdagang 6,459 pang nasawi.

Samantala, nadagdagan naman ng halos 300,000 bagong kaso ng COVID-19 dahilan kaya umakyat na sa mahigit 17.3-milyon ang kabuuang kaso mula sa isang 196 na mga bansa at teritoryo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa nabanggit na bilang halos 10-milyon na ang nakarekober o gumaling mula sa COVID-19.

Nananatili naman ang Estados Unidos sa mga bansang pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 pandemic kung saan umabot sa mahigit 1,300 ang naitalang bagong kaso ng nasawi sa isang araw lamang.

Umaabot na rin sa halos 4.5-milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa Estados Unidos.

Related posts

Pagdinig sa kasong rebelyon laban kay Trillanes aabutin pa ng taong 2020

Powered by DWIZ

Mas marami pang protesta ikinakasa sa Hong Kong

Powered by DWIZ

Bahagi ng SouthLink ng Skyway 3 bubuksan na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More