Sunday, May 5, 2024

Gerald Anderson itinangging may third party sa kanila ni Bea Alonzo

- Advertisement -

Itinanggi ni Gerald Anderson na third party ang dahilan ng hiwalayan nila ng kaniyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo.

Sa isang panayam, binigyang diin ni Gerald na walang sinuman ang dapat sisihin sa break-up nila ng aktres.

Aniya, personal na isyu sa kanilang relasyon ang dahilan kung bakit nagdesisyon sila na maghiwalay na ng landas.

Bago pa man basagin ni Gerald ang kaniyang katahimikan ay una nang napaulat na third party ang dahilan ng hiwalayan.

Ito ay matapos lumutang ang isyu ukol sa umano’y ugnayan ni Gerald sa isa pang aktres na si Julia Barretto.

Samantala, sinabi naman ni Bea na wala silang pormal na break up ni Gerald, at bigla na lamang dumating sa punto na hindi na lamang sila nag usap.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img