General Santos: Welcome Back Home SDS Gani!

0
15

Isang simpleng “Welcome Program” ang inihanda ng Division Office Personnel and Staff Association (DOPSA), Philippine Elementary School Principal’s Association (PESPA) – GenSan at National Association of Public Secondary School Heads, Inc (NAPSSHI) – GenSan para kay SDS Isagani S. Dela Cruz, CESO V, sa kanyang pagdating sa Division Office kasabay ng Flag Ceremony ngayong umaga.

Sinorpresa ng mga kawani ng Dibisyon si SDS Gani sa kanyang pagpasok sa kanyang tanggapin sa pamamagitan ng pagbigay ng bouquet at agahan.

Sa Flag Ceremony, binasa ni ASDS Carlos G. Susarno, CESO VI, ang Designation Letter ni SDS Gani at ihinayag ang kanyang kagalakan na makatrabaho muli ang dating boss na noo’y SDS ng SDO – South Cotabato.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni SDS Gani ang kapakanan ng mga bata. Aalamin niya mula sa mga bata kung akma ba ang mga serbisyong binibigay sa kanila at papano pa ito tugunan. Hinamon din niya ang lahat na panatilihin din ng Sangay ang pagiging “champion” nito hindi lang sa isports kundi sa lahat ng aspeto alinsunod sa katagang “Home of the Champions.”

Hinandogan din siya ng awit ng mga kawani at welcome messages mula sa top management.

Pinakilala rin nina SGOD Chief Vic A. Fuentes, Jr., CID Chief Juliet F. Lastimosa at AO Isabelle May N. Dioso ang mga kawani sa kani-kanilang opisina na makakatrabo ni SDS Gani tungo sa pagbibigay ng Serbisyong Heneral Dekalidad at Marangal!

#depedtayogensan #SerbisyongHeneralDekalidadatMarangal #DahilUnaSaLahatBata

Source: DEPED Gensan

Leave a Reply