Friday, May 3, 2024

General Santos: P3M Na Bayad Sa ‘Extra Service’ Ng Landfill Consultancy Firm, Inalmahan

- Advertisement -

General Santos City – Kinuwestyon ng mga kasamahang konsehal sa lungsod ang hirit ni re-electionist City Councilor Jose Edmar Yumang na paglalaan ng ₱ 3,076,458.00 na public funds bilang pambayad sa “extra works and services” ng isang design build engineer consultancy firm sa itinayong Sanitary Solid Waste Management and Disposal Facility ng siyudad.

Sa isinagawang regular session, ipinaliwanag ni Yumang na kinuha ng city government ang serbisyo ng Woodfield Consultants Incorporated sa pagdesinyo ng  63-hectare sanitary landfill sa bahagi ng Barangay Sinawal.

Ayon kay Yumang, dahil hindi natapos ng original contractor na R-II Builders, Inc. ang pagtatayo ng sanitary landfill, kailangan din ng Woodfield na i-extend ang term of service nito, kaya’t marapat lamang na bayaran ito ng city government.

Pero sa panig ni City Councilor Franklin Gacal Jr., iginiit nito na hindi kasalanan ng city government kung hindi natupad ng R-II Builders ang obligasyon nito, kaya’t wala rin itong obligasyon sa Woodfield.

Sa katunayan, naniniwala si Gacal na mayroon pang dapat pananagutan ang R-II Builders sa city government dahil sa hindi pagtupad nito sa kontrata.

“I voted against this measure,” giit ni Gacal.

Sa huli, sumang-ayon din ang proponent ng resolusyon na si Yumang na nakahanda itong tumalima kung anuman ang desisyon ng mga kasamahan sa konseho.

“We do act as a collegiate body. And it is within the ambit of this august body to approve or not to approve the same.”

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img