27.7 C
Manila
Friday, February 23, 2024

General Santos: Medical Mission ng BobsLor Pacquiao Foundation, dinagsa

- Advertisement -

General Santos City – Muling dinagsa ang isinagawang Medical Mission ng BobsLor Pacquiao Foundation sa Purok 1-3 Dagohoy, Brgy. North, General Santos City. Aabot sa mahigit limandaang mga residente ang nakatanggap ng libreng gamot, check-up at dental service sa inisyatiba ni Brgy. North Punong Barangay Reniel Gonato.

Personal namang bumisita si Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao na bumati sa mga residente kasabay ang pamimigay ng food packs.

Ito ay bahagi na rin sa programang kaarawang handog ni Kap Gonato para sa kanyang mga kabarangay. Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa nasabing programa na nagbigay ngiti sa kanila kaagapay ang 1Pacman Partylist.

(Source: LGU Gensan Facebook page, photo courtesy by Jan Rey Libunao)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -