General Santos City – Nakiisa si Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao sa selebrasyon ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week, noong Nobyembre 21, 2022 sa Oval Covered Court.
Sa mensahe ni Mayor Pacquiao ay kanyang ipinahayag ang taos-pusong suporta sa mga miyembro ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Sa kanilang temang “Addressing Drug Challenges in Health and Humanitarian Crises”, ay layunin nilang tumugon sa mga umuusbong na mga hamon sa droga sa sitwasyon ng krisis.
Inaanyayahan ng kampanyang ito ang iba’t ibang local government units at non-government organization na magsagawa ng maraming adbokasiya at gawin ang kanilang bahagi sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit kahit na sa gitna ng krisis.
Source: LGU-Gensan FB page