26 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

General Santos: 20 Covid-Related Deaths, Naitala Ngayong Araw Sa Region 12

- Advertisement -

General Santos City – Pumalo na sa 1,817 ang naitalang bilang ng mga binawian ng buhay matapos magpositibo ng coronavirus disease 2019 infections sa buong Region 12.

Batay sa October 10 tracker bulletin ng Department of Health, karagdagang 20 Covid-19 related fatalities ang naitala ngayong araw sa rehiyon.

Ito ay kinabibilangan ng 10 mula sa Sarangani province; apat sa General Santos City; lima sa South Cotabato at isa mula sa Kidapawan City.

Sa regionwide tally, umakyat na sa 203 ang Covid-related deaths sa Sultan Kudarat, 546 sa South Cotabato, 88 sa Sarangani, 497 sa North Cotabato at 483 sa General Santos City.

Ang Region 12 ay nanatiling nasa general community quarantine status.

(Source: DOH 12)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -