Wednesday, May 1, 2024

Gazini ‘pride and glory’ pa rin ng PH sa kabila ng pagkatalo —Palasyo

- Advertisement -

Pinapurihan ng Malakanyang ang naging performance ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados.

Ito ay bagama’t nabigo si Ganados na masungkit ang korona sa nabanggit na prestihiyosong beauty pageant.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nananatiling ‘pride and glory’ ng Pilipinas si Ganados dahil sa pagpapakita nito ng katangi-tanging ganda at talento ng mga Filipina.

Binigyang diin ni Panelo, maituturing na magandang karanasan para sa karera ni Ganados bilang isang beauty queen ang pagsali sa Miss Universe pageant.

Hiling naman aniya ng Malakanyang ang lahat ng ikabubuti ni Ganados sa anumang larangan kanyang papasukin sa hinaharap.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img