31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

‘Surfer hero’ Roger Casugay napiling flag bearer ng PH sa closing ceremony ng SEA Games 2019

- Advertisement -

Napili para maging flag bearer ng Pilipinas sa closing ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games ang tinaguriang ‘surfer hero’ at gold medalist na si Roger Casugay.

Ayon kay Team Philippines Chef De Mission Butch Ramirez, napili si Casugay dahil sa ipinakita nitong kabutihan nang iligtas ang Indonesian na katunggali sa surfing event sa SEA Games.

Ito ay sa kabila naman ng pangunguna na sana ni Casugay sa nabanggit na kompetisyon.

Binigyang diin pa ni Ramirez, hindi lamang nakatuon sa pagsungkit ng medalya ang SEA Games kundi maging sa ipinamamalas na ugali, resilience, pagmamahal sa kapwa at mataas na pananampalataya ng mga manlalaro na ipinakita naman ni Casugay.

Gaganapin ang closing ceremony ng SEA Games sa New Clark City Athletics Statdium sa Capas, Tarlac sa December 11.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -