Gatchalian duda sa pagkamatay ng mga high-profile inmates sa Bilibid

0
10

Duda si Sen. Sherwin Gatchalian sa pagkasawi ng mga high-profile inmates mula sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Gatchalian, hindi siya kumbinsido sa inilabas na death certificate para sa mga namatay na high-profile inmates na nagsasabing nasawi ang mga ito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Aniya kahina-hinala kasing sabay-sabay na namatay at tinamaan ng COVID-19 ang mga high-profile na mga bilanggo, kung saan wala ring maipakitang matibay na ebidensiya hinggil sa pagkasawi at pag-cremate sa mga ito.

Una rito, ipinapanawagan naman ng ilang senador ang pagbibitiw ni BuCor Chief Gerald Bantag sa pwesto dahil sa nasabing kontrobersiya.