Wednesday, May 1, 2024

BuCor muling nanindigan na COVID-19 ang kinamatay ng mga high-profile inmates

- Advertisement -

Hindi masasamang tao ang mga personnel ng Bureau of Corrections.

Ito ang muling pagdepensa ni Bucor Spokesperson Gabriel Chaclag sa mga haka-hakang bumabalot sa pagkasawi ng siyam na mga high-profile inmates.

Kabilang dito ang alegasyong pinatakas, pineke ang pagkasawi at sinadyang patayin ang mga naturang bilanggo.

Ayon kay Chaclag, walang kakayahan ang Bucor na gawin ang mga nabanggit na alegasyon.

Dagdag pa nito, napaka imposible kasing ng mga alegasyong ibinabato sa bucor kung saan tinawag nya itong “grand conspiracy” lamang.

Samantala muli namang iginiit ni Chaclag na coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dahilan ng pagkasawi ng mga ito lalo pa’t wala naman aniyang pinipili ang COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img