Gamot sa malaria, HIV ginagamit na rin sa COVID-19 patients

0
46

Ginagamit na rin ng Department of Health (DOH) ang gamot sa malaria at HIV bilang panlunas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dr. Marissa Alejandria ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Disease, hindi lamang Pilipinas ang gumagawa nito kundi iba’t ibang mga bansa na apektado sa sakit.

Tiniyak naman nito na may permiso mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit investigational drugs sa mga COVID-19 patients, basta’t pipirmahan ng mga ito ang kasulatan na silay pumapayag na gamitin sakanila ang naturang gamot.

Dagdag pa ni Alejandria, kabilang sa ibinibigay na gamot sa mga COVID-19 patients ang antibiotic, paracetamol at gamot sa lagnat.

Samantala, bagamat hindi pa nila tiyak kung talagang nakakarekober sa COVID-19 ang mga naturang gamot ay magpapatuloy parin ang kanilang clinical trial sa iba’t ibang gamot upang makahanap ng lunas sa COVID-19.