Debt moratorium ‘di solusyon para matugunan ang COVID-19 crisis —pres’l spox

0
18

Hindi nakikitang solusyon ng pamahalaan ang debt moratorium o pagpapaliban sa pagbabayad ng utang ng bansa bilang pagtugon sa krisis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos na imungkahi ni Senadora Imee Marcos ang pagpapatupad ng debt moratorium para gawin na lamang cash aid ang pondo imbis na ipambayad sa interest ng utang ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang plano ang pamahalaan na ipagpaliban ang pagbabayad ng utang dahil mas magiging madugo aniya ang pagsingil ng sabay-sabay sa mga bansang pinagkakautangan.

Samantala, tiniyak naman ni Roque na sapat ang pondo ng gobyerno para tugunan ang krisis sa bansa.

Sakali namang magkulang ito ay nakahanda ang pamahalaan na magbenta ng ari-arian bago ikonsidera ang debt moratorium.