Friday, May 3, 2024

Gamboa pormal ng naupo bilang PNP Chief

- Advertisement -

Pormal nang nanungkulan bilang PNP Chief si Police Lt. General Archie Francisco Gamboa.

Ito ay matapos na sabitan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gamboa ng kanyang ika – apat na Estrella sa isang seremonya sa PUP – Batangas Campus, Sto. Tomas, Batangas kahapon.

Si Gamboa ay dalawang buwang namuno sa PNP bilang Officer-in-Charge matapos lisanin ni dating PNP Chief Oscar Albayalde ang kanyang pwesto isang linggo bago ang kanyang tuluyang pagreretiro noong Nobyembre nakalipas na taon.

Matapos ang ilang buwang pagsasabi ng Pangulo na hindi siya makapili ng bagong hihiranging PNP Chief noong Biyernes ay inanunsiyo nito na si Gamboa na ang bagong PNP Chief matapos na niyang mapatunayan ang kanyang sinseridad sa Pangulo. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img