Galvez nagbabala ukol sa isang grupong magsasagawa ng pekeng forum para sa mga MNLF members

0
22

Nagbabala sa mga pekeng peace forum ang tanggapan ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr sa Zamboanga City.

Ayon kay Galvez, nakatanggap siya ng report hinggil sa isang grupo na nagpapakilalang mga kinatawan ng pamahalaan para magsagawa ng forum sa peace process at federalism para sa mga miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF ni Nur Misuari.

Nagpahayag ng pangamba si Galvez na makasira lamang sa gumagandang daloy ng pakikipag kasundo nila sa MNLF ang mga pekeng forum.