Gag order petition ni Calida sinagot ng ABS-CBN

0
23

Sinagot na ng ABS-CBN ang gag order petition ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.

Sa kanilang komento, binigyang diin ng network na hindi lamang paglabag sa press freedom ang gag-order kundi tinatanggalan rin nito ang mga Pilipino ng  mapagkukunan ng mahalagang impormasyon.

Kinontra rin ng ABS-CBN ang paggamit  ni Calida ng sub judice rule kung saan ipinagbabawal na pag-usapan ang merito ng isang kaso.

Ayon sa sagot ng ABS-CBN, hindi naman ipinagbabawal ng sub judice rule ang lahat ng pagtalakay sa isang usaping nakasampa na sa Korte.