31.3 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Fuel excise tax dapat nang tanggalin sa ilalim ng TRAIN Law—Rep. Quimbo

- Advertisement -

Dapat tanggalin nang tuluyan ang excise tax sa langis na ipinataw sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ito ang inihayag ni Marikina City 2nd district Rep. Miro Quimbo sa gitna ng desisyon ng Malakanyang na aprubahan ang rekomendasyon ng mga economic manager na suspendihin ang ikalawang bahagi ng dagdag excise tax sa susunod na taon.

Ayon kay Quimbo, bagaman bukas sila sa rekomendasyon ng mga economic manager, dapat ibalik ang dating sitwasyon bago ipinasa ang TRAIN law.

Magugunita noong Setyembre ay inihain ng kongresista ang House Bill 8171 na layuning i-repeal ang excise tax sa kerosene at diesel sa ilalim ng nasabing batas at awtomatikong suspendihin ang buwis sa lahat ng petroleum products.

Ang nasabing panukala ang isa sa mga nakikitang solusyon ni Quimbo sa mabilis na inflation rate na dulot ng oil price increase.

Samantala, isusulong pa rin ng mambabatas ang pag-apruba sa inihain niyang bill kahit pa ipatupad ang second tranche ng suspensyon sa excise tax increase sa fuel products.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -