Joint oil at gas exploration ng PH at China suportado ni Recto

0
46

Suportado ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang joint oil and gas exploration ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Ito’y sa gitna ng pahayag nina Acting Chief Justice Antonio Carpio at dating foreign affairs  secretary Alberto Del Rosario na ligtas at walang namang isusukong soberanya o teritoryo ang Pilipinas sa kasunduan sa Tsina.

Ayon kay Recto, wala namang nilalabag na batas ang nabanggit na kasunduan at sa katunayan ay magkakaroon ito ng malaking pakinabang sa ekonomiya ng dalawang bansa.

Kung tutuusin ay dapat nang madaliin ang paghahanap ng langis sa bansa lalo’t posibleng maubusan na ng supply ng natural gas ang Malampaya Field sa Palawan sa taong 2024.

Ipinaliwanag ni Recto na bagaman bahagi ng ating teritoryo ang West Philippine Sea na pinaniniwalaang mayaman sa langis, hindi naman kakayanin ng Pilipinas nang mag-isa ang gastos sa oil exploration kung walang tulong ng mga mayamang bansa.