Fronliners sa bansa punong-puno pa rin ng pagasa sa gitna ng COVID-19 outbreak

Fronliners sa bansa punong-puno pa rin ng pagasa sa gitna ng COVID-19 outbreak

by Powered by DWIZ
23 views

Punong-puno pa rin ng pag-asa ang mga frontliners sa bansa sa pagharap sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang naging pag-titiyak ni Dr. Gerardo Legaspi, director Philippine General Hospital (PGH) sa harap nang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ni Legaspi, sa gitna ng banta ng COVID-19 nananatiling tapat sa kanilang mandato ang mga health workers upang matugunan ang pangangailangan ng publiko para malabanan ang panganib ng virus.

Aniya, sakabila rin ng mga balakid na inahaharap ng mga front liners nananatili silang matatag at punong-puno ng  pag-asa upang malampasan ng sambayanang filipino ang nasabing problema.

Kasabay nito, binigyan din ng pagkilala at pag-pupugay ni legaspu ang mga doktor na nasawi sa ngalan ng pagbibigay ng serbisyo para sa mga Pilipino.

Sa ngayon, sinabi ni Legaspi na dapat na magkaisa ang mga filipino para malampasan ang problemang ito.

0 comment

Related Posts