29.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Free X-Ray Isinagawa Sa Iriga City

- Advertisement -

Mahigit kumulang 130 na mamamayan sa lungsod ng Iriga ang nakatanggap ng FREE CHEST X-RAY kahapon, Nobyembre 6, 2020, kung saan ito ay pinangunahan ng Philippine Business for Social Progress o PBSP sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor, City Health Office at ng Barangay Officials.

Ginanap ang nasabing programa kahapon sa San Vicente Sur Covered Court at sa iba’t-ibang barangay naman ngayong araw, Nobyembre 7, 2020.

Binigyan ng prayoridad ang mga Barangay Health Workers (BHWs) at mga frontliners ng lungsod upang masiguro na sila ay may maayos na kalusugan habang ginagampanan nila ang kanilang sinumpaang tungkulin laban sa pandemya sa Covid-19.

(Source: LGU Iriga City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -