- Advertisement -
Positibo ang UP OCTA Research Team na mafa-flatten na ang curve ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas sa katapusan ng Agosto o hanggang Setyembre.
Ayon kay Prof. Guido David. miyembro ng UP OCTA Research Team, bumabagal na ang pagdami ng kaso ng COVID-19.
Sa Metro Manila lamang anya, mula sa dating 1.5 na R0 o reproduction rate, at bumaba na ito sa 1.1%.
Ang R0 ay ang bilang ng mga taong puwedeng hawaan ng isang positibo sa virus .
Sinabi ni David na lalo pang makikita ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa sa susunod na dalawang linggo kapag nakita na ang epekto ng ipinatupad ng modified enhanced community quarantine.
- Advertisement -