Monday, May 6, 2024

Fire Management Plan ng BFP-Baguio hinihiling ng konseho

- Advertisement -

(Baguio City) Hinihiling ng Sangguniang Panlungsod sa Bureau of Fire Protection- Baguio Field Office na magsumite ito ng fire management plan para sa lungsod ng Baguio. Base sa Resolution No.291, series of 2023, Sinabi ng mga lokal na gumagawa ng mga batas, na magsagawa sila ng komprehensibong ‘fire management plan’ at kailangan matiyak ang kaligtasan ng mga residente ganon ng ari arian at ng kapaligiran.

Binigyang diin sa mga miyembro ng konseho sa pagkilala ng lokal na gobierno ang kahalagahan ng paghahanda at ang patugon sa mga pamamaraan, ang paghahanda at pamamahala ng buhay at ng ari arian ng mga mamamayan.

Ayon kay ABC President at konsehal Michael Lawana, bilang isa mga highly urbanized city, maraming dapat harapin ang lungsod ng Baguio na panganib at ang mga hamon sa pagsugpo ng sunog dahil sa malaki nitong populasyon, marami na ring mga komersial na establisiemento, mga tahanan at iba pang kakaibang topograpiya.

Binigyang diin ninya na ang konseho ay kikilalanin ang mga kakayahan at karanasan ng mga taga BFP-Baguio ngunit kailangan mayroon silang pangkalahatang fire management plan upang makakatulong sa pagsugpo ng sunog na pagbabasehan ng lokal na gobierno, at ng mga iba’t ibang ahensiya ng gobierno at ng mismong mga mamamayan.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit to Coun M. Lawana file

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img