Fil-Am MMA fighter Mark Striegl nagpositibo sa COVID-19

0
21

Tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Filipino-American fighter Mark Striegl.

Dahil dito, ayon sa UFC, hindi na matutuloy ang laban ni Striegl kay Timur Valiev ngayong araw kung saan pinalitan siya ni Trevin Jones.

Tatlong linggo nang nagsasanay si Striegl sa Las Vegas para sa bakbakan nila ni Valiev na tulad niya ay bago lang din sa UFC.

Si Striegl ay ang URCC featherweight champion at minsan na siyang nanalo ng gintong medalya sa Southeast Asian Games nang maging kinatawan siya ng Pilipinas.