31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

FDA nilinaw na idadaan pa sa Phase IV trials ang COVID-19 vaccines

- Advertisement -

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na idadaan pa sa Phase IV  trials ang bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), bilang bahagi ng post-registration process ng mga bakuna.

Ito ang naging paglilinaw ni FDA Dir. Gen. at Health Usec. Eric Domingo kung saan sinabi nito na hindi magagamit para sa public vaccination ang isang bakuna kung hindi nakumpleto ang Phase IV ng vaccine trial.

Sa ilalim ng Bayanihan 2 o Bayanihan To Recover As One Act ay mayroong probisyon para sa mabilis na procurement ng bakuna laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Domingo na pag-aaralan din ng health technology assessment council ng DOH ang bakuna para matiyak na maari na itong magamit para sa mass vaccination matapos ang Phase III trial.

Sa ngayon, sinabi ni Dr. Jaime Montoyo, Executive Dir. ng Philippine Council ng health research and development na kanila nang pinag-aaralan ang first batch ng bakunang ginawa ng Russia.

Aarangkada na sa ang Phase III clinical trials ng Sputnik V vaccine sa Pilipinas sa darating na Oktubre.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -