FDA muling nagbabala sa mga ‘fake noche buena products’

0
50

Muling nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga mamimili na maging mapanuri sa mga bibilhing noche buena items.

Kasunod ito ng pagkakumpiska ng higit isang daan at dalawampung libong pisong (P120,000) halaga ng mga expired na produkto sa Quinta Market sa Maynila.

Ayon sa FDA, tatlong tindahan ang nakuhanan ng mga expired na noche buena items na binibenta lamang sa murang halaga.

Maaring magdulot ng diarrhea, pagsusuka at food poisoning ang mga taong makakakain ng expired na pagkain.