30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Grupong Karapatan ipinanawagan ang pagpapalaya sa NDFP consultants

- Advertisement -

Sumugod sa Kampo Krame ang humigit kumulang limampung (50) miyembro ng Grupong Karapatan.

Ito ay para igiit ang pagpapalaya sa mag-asawang consultant at miyembro ng negotiating panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na sina Rey Carlo Casambre at Patricia Casambre.

Magugunitang nadakip ang mag-asawang Casambre sa Cavite kung saan nakumpiska sa mga ito ang ilang mga dokumento, mga armas at pampasabog.

Ayon sa Karapatan, dapat nang tigilan ng pamahalaan ang pag-aresto at pagsasampa ng anila’y pekeng kaso sa mga bilanggong politikal.

Iginiit din ng grupo ang pagpapalaya sa iba pang consultant ng NDFP kabilang na sina Vicente Ladlad, Adelberto Silva at Rafael Baylosis.

(with report from Jaymark Dagala)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -