Faeldon opisyal nang itinalaga ng Pangulo bilang BuCor Chief

0
68

Opisyal nang itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si dating Customs Chief Nicanor Faeldon bilang pinuno ng Bureau of Customs.

Ang appointment ni Faeldon ay nilagdaan ng Pangulo noon pang November 19 subalit ngayon lamang inilabas ng Malacañang.

Pinalitan ni Faeldon sa puwesto si dating BuCor Chief Ronald Dela Rosa na kumakandidato ngayong senador.

Una rito, tumanggap pagbatikos si Faeldon dahil hindi pa ito pumapasok sa kanyang bagong tanggapan kahit inihayag ang kanyang appointment noon pang Oktubre.

Gayunman, ipinaliwanag ni Faeldon na wala pa syang appointment kaya’t hindi siya pumapasok.

Matapos mailabas ang kanyang appointment, agad pinanumpa ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Faeldon bilang BuCor Chief.

—-