9 Years After—Hustisya hiling para sa Maguindanao massacre victims

0
55

Umaasa ang mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre case na makukuha na nila ang hustisya makalipas ang siyam na taon.

Ayon kay Maguindanao Governor Toto Mangudadatu, nakakalungkot lang na tumagal ng ilang taon ang pagdinig ng kaso dahil sa iba’ t ibang delaying tactics na ginawa ng kampo ng mga akusado.

“Dine-delay nila, papalit-palit ng abogado kaya humantong sa ganitong sitwasyon at napakatagal.” Pahayag ni Mangudadatu

Sa kabila nito, naniniwala si Mangudadatu na maco-convict sina Andal Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan, Datu Sajid Islam Ampatuan at iba pa dahil sa matibay na mga ebidensyang iniharap laban sa kanila sa korte.

“Sana naman ang conviction na ‘yan ay hindi na tatagal pa at alam naman po naming na ang lahat ng ebidensya, lahat ng witnesses ay naipresenta na natin, sana ilabas na po upang ang mga biktima katulad namin ay maibsan ang lungkot at makamit ang hinahanap naming hustisya.” Pahayag ni Mangudadatu

(Ratsada Balita Interview)