Faeldon inaming nakipagkita siya sa pamilya ni Ex-Mayor Sanchez

0
49

Inamin ni Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon na nakipagkita siya sa pamilya ni convicted rapist- murder at dating Calauan Laguna mayor Antonio Sanchez.

Sa pagdinig ng senado, sinabi ni Faeldon na gabi ng Hulyo 29 habang nagpapahinga na siya sa kanyang quarters, dumating aniya ang pamilya Sanchez at nagpupumilit na siya ay kausapin.

Aniya, inutusan niya ang kanyang staff na sabihan ang mga ito na bumalik na lamang kinabukasan at makipag-usap sa kanya ng office hours.

Dagdag ni Faeldon, kanyang ikinagulat ang banta ng pamilya Sanchez na hindi aalis ng New Bilibid Prison hangga’t hindi siya humaharap sa mga ito.

Pagpapatuloy ni Faeldon, maaga rin nagtungo sa kanyang tanggapan ang pamilya Sanchez kinabukasan at umiiyak.

Kasabay nito, itinanggi naman ni Faeldon ang naging pahayag ng pamilya Sanchez na nagbigay siya ng katiyakan sa paglaya ng dating alkalde sa ilalim ng good conduct time allowance.

Kanya aniyang iginiit sa mga ito na makakalaya si Sanchez kung magiging kuwalipikado ito sa GCTA.