Abner Caga itinalaga bilang OIC ng PIA

0
61

Opisyal nang itinalaga ni Communications Secretary Martin Andanar si Abner Caga bilang officer-in-charge ng PIA o Philippine Information Agency.

Ito ay matapos ang ginawang pagbibitiw ni dating PIA chef Harold Clavite noong Biyernes.

Ayon sa kalihim, si Caga ay isa sa mga regional director ng PIA na kwalipikado bilang maging OIC ng ahensya.

Si Caga ay ang kasalukuyang direktor ng PIA Region 13.

Nilinaw naman ni Andanar na hindi permanente ang posisyon ni Caga dahil si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang mamimili kung sino ang mamumuno sa PIA.

Matatandaang nagbitiw si Clavite bilang director ng PIA dahil sa mga umano’y issue ng korapsyon sa ahensya.