Facebook, Instagram at WhatsApp nagka-aberya

0
54

Nakakaranas ng aberya ang Facebook, Instagram at WhatsApp simula pa kagabi.

Sa Twitter, trending worldwide ang hashtags na #WhatsAppDown, #InstagramDown at #FacebookDown.

Batay sa data ng site monitoring platform na downdetector.com, nagkakaproblema ang pag-access sa Facebook at Instagram sa Amerika, ilang bansa sa Europe at maging sa Pilipinas.

Ilan sa mga netizens ang nagrereklamong hindi lumalabas ang mga litrato at video sa kanilang news feed.

Naglabas na ng pahayag ang Facebook pasado alas-12 ng madaling araw at tiniyak na sino-solusyonan na ang problema.