Dengvaxia scare natuldukan na

0
43

Natuldukan na ang takot dulot ng ‘dengvaxia vaccine controversy’.

Binigyang diin ito ni Health Secretary Francisco Duque III matapos ang resulta ng survey tungkol sa vaccine confidence na kinomisyon mismo ng Malakanyang.

Ayon kay Duque, tatlong matrix ang ginamit sa survey kung saan tinanong kung epektibo, ligtas at maganda ba ang kalidad ng mga bakuna.

Sinabi ni Duque na batay sa survey, 94% ang nagsabing epektibo ang mga bakuna, 89% ang naniniwalang ligtas ang mga ito at 91% ang nagsabing maganda ang kalidad ng mga ito.

Iginiit ni Duque na pahiwatig ito na nabawasan na ang pangamba ng publiko sa bakuna.

Una nang sinabi ng DOH na bumagsak ang antas ng tiwala ng publiko sa bakuna sa 32% dahil sa isyu ng dengvaxia.

Ang nasabing deklarasyon din ng measles outbreak sa ilang lugar noong Pebrero ay nagpataas sa bilang ng mga batang nabakunahan.

Ayon kay  Duque, umabot sa 98% ang bilang ng mga batang may edad anim (6) hanggang 59 na buwan ang nabakunahan kontra tigdas.

Inamin naman ni Duque na hindi pa mataas ang immunization coverage sa iba pang age groups.