Facebook employees tatanggap ng tig-$1000 bonus

0
21

Tatanggap ng tig-$1000 na bonus ang 45,000 empleyado ng Facebook.

Layon umano ng bonus na matulungan ang mga empleyado na magta-trabaho sa bahay o sa labas ng kumpanya na kailangang mag-set up ng home office.

Gayunman, nilinaw umano sa memo ni Facebook CEO Mark Zuckerberg na tanging ang mga full time employees lamang ang tatanggap ng bonus at hindi kasama ang mga contractors.

Una nang ini-anunsyo ng Facebook na kumpleto pa rin ang orasang pasahod nila sa kanilang hourly workers tulad ng janitors at cafeteria workers kahit pa binawasan ang oras ng kanilang trabaho.