30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Ex-Sen. Enrile naniniwalang magkakaroon ng acquittal sa kanyang PDAF case

- Advertisement -

Inaasahan ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang naging hatol ng Sandiganbayan First Division kay dating Senator Bong Revilla sa kasong plunder.

Ito ang naging reaksiyon ni Enrile sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan kahapon, kung saan pinawalang-sala si Revilla sa kasong plunder na may kaugnayan sa Pork Barrel Scam.

Ayon kay Enrile, walang matibay na ebidensiya na prinisinta upang panagutin si Revilla sa mga kasong isinampa laban dito.

Batay sa desisyon na inilabas ng Sandiganbayan, hindi maaring panagutin si Revilla sa kaso dahil hindi napatunyan kung direkta o hindi direkta ang pagtanggap nito ng komisyon mula sa kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

“Ako naniniwala na magkakaroon ng acquittal. Sapagkat, Itong mga kaso na ito na isinampa nila sa akin ay mahihina ang ebidensya wala naman din kami pakialam doon sa execution ng proyekto executive yun. Ang tinanggap lang naming yung notification na meron ini-release sa amin na pondo ng gobyerno.” Pahayag ni Enrile.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -