35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

China hindi pwedeng angkinin ang West PH Sea sa joint exploration deal — Carpio

- Advertisement -

Naniniwala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na huhupa ang tensiyon sa pinag-aagawang West Philippine Sea kung matutuloy ang joint exploration deal sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Carpio, kapag natuloy ang joint exploration ay magkakaroon ng hatian sa anumang makukuhang langis o natural gas sa nasabing lugar.

Sa pamamagitan aniya ng contract-type agreement ay mistulang inamin ng China na hindi talaga nila pag-aari ang mga pinag-aagawang teritoryo.

Kasabay nito ay inihayag ng opisyal ang pag-suporta niya sa nilagdaang kasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Matatandaang si Carpio ay isa sa mga nagsusulong ng karapatan ng bansa sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -