Ex mayoral candidate sa Sultan Kudarat patay sa pananambang

0
41

Patay ang isang kumandidatong alkalde sa bayan ng Lambayong sa Sultan Kudarat.

Ayon kay SOCCSKZARGEN Police Regional Office Spokesman Lt. Col. Aldrin Gonzales, papauwi na sa kanilang tahanan ang biktimang si Edgar Lucero, 53 taong gulang, sakay ang kanyang dalawang anak sa isang motorsiklo nang atakihin ng mga salarin.

Limang tama ng baril ang ginawa sa biktima na tumama sa kanyang ulo at katawan na agad nitong ikinamatay habang hindi naman tinamaan ang kanyang mga anak.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.