DOJ pinaiimbestigahan ang escort servicing scheme ng mga papasok na Chinese workers sa POGO

0
44

Inatasan ng DOJ o Department of Justice ang NBI o National Bureau of Investigation na imbestigahan ang napaulat na escort servicing scheme sa mga papasok na Chinese worker sa POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.

Sinasabing nagbabayad ang mga POGO operator ng 10,000 piso sa kada isang POGO worker na papasok sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ini escort-tan ng ilang kawani ng Bureau of Immigration ang pumapasok na Chinese Worker kahit pa tourist visa lamang ang hawak ng mga ito.

Kabilang ang operasyon ng escort servicing scheme at human trafficking sa tinututukan ng gobyerno sa mga paliparan sa bansa.