Ex-Mayor Antonio Sanchez, posibleng makalaya

0
49

Posibleng mapalaya na si dating Mayor Antonio Sanchez ng Calauan, Laguna.

Ito ay dahil sa pagbawas ng mga otoridad sa sentensya ni Sanchez kasunod ng magandang pag uugali nito habang nakakulong sa New Bilibid Prison.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isa lamang si Sanchez sa libu-libong inmates na kuwalipikado sa recomputation ng sentensya dahil sa magandang pag uugali base na rin sa Republic Act 10592.

Maaari aniyang makalaya na sa susunod na dalawang buwan ang mga nasabing preso.

Si Sanchez ay na convict noong  1993 dahil sa panggagahasa at pagpatay sa UPLB student na si Eileen Sarmenta at pagpatay naman sa sinasabing nobyo nitong si Allan Gomez.