COA pinagpapaliwanag ang NEA sa halos P11-B subsidy na ibinigay

0
42

Pinagpapaliwanag ng COA ang National Electrification Administration (NEA) sa halos P11-B  na subsidy na ibinigay sa mahigit 100 electric cooperative mula 2012 hanggang 2014.

Una na ring kinuwestyon ng COA ang NEA sa mga nauna pang subsidies na inilabas ng ahensya sa mga nakalipas na taon.

Ayon pa sa COA lumalabas din sa kanilang imbestigasyon na naging mabilis ang paglalabas ng naturang halaga sa magaan ang mga requirements na ipinataw sa power cooperatives na nag o-operate sa mga lalawigan.

Nabatid na sa kaparehong COA special audit report ang NEA sa kabuuan ay mayroong unliquidated subsidy na P403-M hanggang noong buwan ng Marso.

Inuutasan rin ng COA ang mga electric cooperative na i-liquidate ang mga naibigay sa kanilang subsidy kasabay ang pagbusisi sa iba pang pakinabang ng mga kooperatibang ito tulad ng rewards, incentives, benefits at allowances.