Ex-DFA sec Perfecto Yasay nakapagpiyansa na

0
49

Pansamantalang makalalaya si dating Foreign Affairs secretary Perfecto Yasay makaraang maaresto kahapon kaugnay sa kanyang mga kinakaharap na kaso nang siya ay opisyal pa sa nagsarang Banco Filipino.

Ito’y matapos magpiyansa si Yasay ng halagang P240,000 sa Manila Regional Trial Court Branch 10.

Inaresto si Yasay sa umano’y pagkakasangkot nito at limang iba pa sa falsification, grant of illegal loans at major violations of banking laws nang siya ay nagsisilbi pang board member sa nabanggit na bangko.

Batay sa record, nangyari umano ang naturang mga alegasyon sa pagitan ng taong 2001-2009.

Depensa naman ni Yasay sa mga akusasyon laban sa kanya, taong 2009 lamang nang siya ay maging bahagi ng naturang bangko.