Embahada ng US sarado sa Lunes

0
43

Sarado ang embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas sa Lunes, ika-26 ng Agosto.

Ito ay dahil idineklarang isang regular holiday sa bansa ang naturang petsa bilang paggunita sa national heroes day.

Base sa abiso na inalabas ng embahada, hindi nila tatanggapin ang anumang transaksyon sa kanilang tanggapan at sa iba pa nilang affiliated offices.

Babalik naman ang regular na operasyon ng embahada kinabukasan, Martes, ika-27 ng Agosto.