ERC inatasang bumuo ng fact finding team sa imbestigasyon sa pagnipis ng suplay ng kuryente

0
45

Inatasan na ng Senado ang ERC o Energy Regulatory Commission na bumuo ng fact finding team upang imbestigahan ang rotating brownouts na bunga ng manipis na suplay ng kuryente.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Energy, aalamin ng ERC kung totoong pumalya ang mga planta ng kuryente o kung nagkaroon ng sabwatan kaya’t halos sabay sabay na nagka aberya ang mga planta.

Tiniyak ni Gatchalian na gagawa sila ng batas na tutugon sa problema base sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Matatandaan na ilang araw ring inilalagay sa yellow at red alert ang Luzon grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.