Epekto ng klima sa COVID-19 hindi pa napatutunayan —DOH

0
23

Wala pa ring ebidensiya na may kaugnayan o epekto ang pagbabago ng klima o panahon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang matibay na ebidensiya na makapagsasabi na may epekto ang mainit o malamig na panahon sa ‘survival’ ng virus.

Ang pahayag na ito ni Vergeire ay nag-ugat sa naging pahayag ng U.S. Department of Homeland Security’s Science and Technology kung saan binigyang diin nito na mas mabilis mamatay ang virus sa direktang sikat ng araw.

Matatandaang, una na ring pinabulaanan ng World Health Organization (WHO) ang mga report na nagsasabing mas mabilis kumalat ang virus sa malamig na lugar.