EO para sa deklarasyon ng state of public health emergency nilagdaan na ni Duterte —Panelo

0
19

Nilagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon para sa state of public health emergency.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakatakda nilang isapubliko ang nilalaman ng executive order mamayang tanghali.

Sinabi ni Panelo na sa ilalim ng state of public health emergency, mas makakakilos ang pamahalaan para tugunan ng maayos ang pangangailangan ng bansa sa harap ng dumaraming kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Tinukoy ni Panelo ang pagbili ng mga medical equipment tulad ng testing kits na hindi na kailangang dumaan sa bidding.

Una rito, umakyat na sa 10 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.